7 Rapper Na May Grabeng Tattoo Sa Mukha
Marami sa mga Pinoy na kapag nakakita ng maraming tattoo sa katawan ay pinagiisipan na agad nila ito ng masama. May mga nagsasabi na ang taong maraming tattoo ay adik, o di kaya ay bagong labas sa kulungan. Pero alam nyo ba na noong unang panahon, ang pagkakaroon ng tattoo ay sumisimbolo ng kagitingan, Estado ng buhay at kagandahan? Sa kasalukuyan, muling nauuso ang pagkakaroon o pagpapalagay ng tattoo. Dumadami rin ang mga tattoo artists na nagtatayo pa ng organisasyon para ipaglaban at puksain ang nangyayaring diskriminasyon sa mga taong may tattoo sa katawan. Dahil ang tattoo para sa kanila ay isang uri ng art. At sangayon naman dito ang ilang local rap artist. Sa topic natin ngayong araw, ay iisa-isahin natin ang mga kilalang rapper, na nahuhumaling sa art na ito at nagpalagay pa, maging sa kanilang mga mukha.
7. PriceTagg
Si PriceTagg ay nakilala sa kantang Pahina, Kontrabida at Barumbado, maging sa kontrobersyal na laban nila ni Makagago sa Sunugan Rap Battle, isa sa mga sikat o namamayagpag na artist ngayon si Pricetagg o Jomari Espiritu sa totoong buhay. Ang Peso sign at logo ng kanyang merch na Villain Wear na tattoo niya sa kanyang mukha ang magpapatunay na isa si Pricetagg sa mga matagumpay na negosyanteng rapper ngayon.
6. Shanti Dope
Kung napakinggan niyo na ang kantang Nadarang, Ikaw, Materyal, at Amatz, siguradong kilala niyo ang young artist na si Sean Patrick Ramos aka Shanti Dope. Ang salitang Sinner na cursive na nasa taas ng kaliwang kilay niya at tila hugis korona sa ibaba ng kanang mata ay ilan lang sa mga tattoo ng young artist na makikita sa kanyang mukha.
5. Polo Pi
Mula sa grupo na 1096 Gang na siyang nagpasikat sa kantang Pajama Party, isa si Paulo Cernal Manlod o Polo Pi sa mga namamayagpag na artist ngayon. Ilan sa mga tattoo niya sa mukha ay isang smiley na tila na may pagka bungo ang hugis, David star at pulang puso.
4. Mic OverDozed
Si Mic Over Dozed o Luther sa totoong buhay ay kabilang sa grupong Psychedelic Boyz ni OG Makk. Sa katunayan ay ito ang naglagay kay Mic ng tattoo niyang pula na tila sugat sa ilalim ng kaliwang mata niya. Ang salitang RAWSTARR naman na makikita sa bandang ibaba ng kanyang kanang mata ay patungkol naman sa independent record label na kinabibilangan ng grupo nila habang ang Overdozed na cursive ay mula sa alias niya na Mic Over Dozed.
3. OG Makk
Isa sa mga pinakontrobersyal na rapper dahil sa kantang Batang Pasaway, si OG Makk ay kabilang din sa grupong Psychedelic Boyz. Marami ang nanibago sa biglaang pagdami ng mga tattoo nito at kasunod nito ay naglabasan din ang mga larawan ni OG Makk noong wala pa siyang tattoo. Lalo pa nang magpalagay siya ng malaking tattoo sa kanyang mukha at magpa-fullsleeve sa kanang braso niya. Makikita ang bible verse na Matthew 6:22 sa may noo, kidlat sa kaliwang mata, at ahas sa sentido niya na talaga namang nakakaagaw ng atensyon.
2. Renzzy Eleccion
Tubong Cebu City naman si Renzzy na isang skateboard enthusiast at product endorser ng mga local merchandise. Siya ay isa rin sa bumubuo ng baguhang rap group na JLR ng mga kantang Kalisod at Hurado, kasama ang kanyang kapatid na si JL. Kapansin pansin ang mga tattoo ni Renzzy na tila balat ng ahas sa palibot ng kanyang bibig, krus na Patee, salitang SAVAGE, broken heart, sign na omega, 💯 at iba pa.
1. Akuma From Hell
Mula sa grupong Paranaque rebels at Crux Gang, si Johnrenzo Geronimo o mas nakilala bilang Akuma from Hell ay isa sa mga rising artist ngayon na inaabangan ng maraming hiphop fans. Ang Mapangmata, Dummy Account at ang latest release na Basic Sheet ay ilan lang sa mga track na kasama si Akuma. Kapansin pansin ang mga tattoo ni Akuma lalo na ang krus na nasa pagitan ng kanyang mga mata na simbolo ng grupong kinabibilangan. Ang mga salitang LOVE, Truth, at Lies na nasa talukap ng mga mata niya at ang salitang cursive na Invincible at Vicious at ang larawan ng isang french bulldog na may bonnet ay ilan pa sa mga nakakaagaw ng atensyon na tattoo ni Akuma.
Ang list na ito ay base sa aming pagreresearch at maaaring may mga artist kaming hindi naisama. Ganun pa man, kung kayo ay may kakilalang rap artists na may taglay din na grabeng tattoo sa mukha ay ipagbigay alam lang sa amin at kami ay gagawa agad ng update para sa topic na ito.