7 Rising Filipina Rappers (Femcee)
Umay ka na ba sa mga rap na naririnig mo ngayon? Gusto mo bang makarinig ng bago? Sa video natin ngayong araw, ating tatalakayin ang ilan sa mga rising Filipina rappers na kailangan nyong abangan.
7. Zae
Hindi inaasahan ng Filipina rapper na si Zae Zacarias na magiging mainit ang pagtanggap ng mga fans sa track nyang Pantsu. Bwelta umano ito ni Zae sa kantang Neneng B ni Nik Makino dahil sa sexist lyrics nito. Ayon pa kay Zae, naging inspirasyon nya rin sa pagsulat nya ang hindi makatarungang pagtrato sa mga babae sa lipunan. Kaya naman napakarami ang humanga sa kanya dahil dito at sumang-ayon. Under ngayon si Zae ng independent record label na Goodson Music PH. Ilan sa kanyang mga hit song ay ang Edi Wag, HELLABAD, Calibre at Zone na available na rin sa mga streaming platform.
6. Binibining Beats
Nakilala naman si Jann Foncardas Altea o Binibining Beats na mula sa Zamboanga dahil sa galing nya sa pagspit ng umaapoy na bars at sa malupit na speed rap. Hindi lang kapwa Pinoy, may ilang dayuhan rin na nagpahayag ng paghanga sa kanya ayon sa mga komento sa kanyang YouTube Channel. Si Jann ay hindi lang magaling na rapper, mahusay rin sya sa larangan ng beatboxing. Katunayan ay nagkaroon pa ng tutorial si Jann tungkol dito na kasalukuyan nang may 8.8 million hits at 175k subscribers sa kanyang Channel.
5. Alex Bruce
Maituturing na pinakabatang rapper sa industriya ang 14 year old na si Alex Bruce. Naging pinakamahalagang impluwensya at inspirasyon raw sa kanyang pagsusulat ang Filipina rapper na si Ruby Ibarra na nakabase ngayon sa Amerika. Kaya naman dream come true talaga para kay Alex nang magperform sya sa Homecoming show ng idolo at makasabay ito sa pagkanta. Sa ngayon ay under ng major label na Sony Music Philippines si Alex. Ilan sa kanyang mga single ay ang Mind as a Weapon, Go Crazy, Pull it Off at Yakap na mayroon nang million hits nang iperform nya ito ng Live sa Wish Bus.
4. Peaceful Gemini
Mula naman sa Spotify Radar ay nadiskubre ng marami ang artist na si Nicole Leonar o Peaceful Gemini. Dahil sa malalalim na mensahe ng kanyang mga kanta at mga powerful na live performances bumuhos ang paghanga ng mga fans kay Nicole. Ayon sa mga fans ay sobrang underrated na artist daw nito sa kabila ng pagiging talented nito. Kabilang din si Nicole sa collective na Assembly Generals. Ilan sa mga track nya ay ang Warrior Princess, Cloud 9, Mind Body and Soul at iba pa.
3. Loir
Kasabay ng release ng Poot at Pag-ibig album ni Gloc-9 ay nakilala natin ang young artist na si Loir Jastine Dela Llana. Natatangi ang madamdaming pag-awit ni Loir sa mga track ni Gloc-9 na Sanib at OKA kaya naman hinangaan sya ng maraming hiphop fans. Sa ngayon ay nasa ilalim sya ng Asintada Management ni Gloc-9 kaya siguradong marami pa tayong aabangan kay Loir.
2. Tiffany Lhei
Sa murang edad ni Tiffany Lhei Cabero ay natuklasan na nya ang passion nya sa rap music. Naging mabilis ang pagsikat ng young artist na ito nang magviral ang kanta nyang Dorobo taong 2019, na agad nagkaroon ng million hits sa Facebook sa loob lamang ng dalawang araw. At kahit na baguhan pa lang si Tiffany Lhei sa eksena ay marami ang humanga sa kanyang talento at pagiging makabayan nito. Sa ngayon ay nasa ilalim sya ng record label na Def Jam Records. Ilan pa sa kanyang mga solid track ay ang Katana, at latest single na Sorbetes kasama si DonWilson.
1. Manica “QueenMoney”
Si Nica Pauline Llamelo o Manica QueenMoney ay mula sa Nueva Ecija. Si Manica ay maituturing na isa sa mga rising femcees ngayon dahil sa kanyang mababangis na bars at madiin na pagrarap. Naikumpara pa nga si Manica sa international female rappers na si Cardi B at Nicki Minaj ng ilang mga hiphop fans dahil sa speed rap nito umaapoy na lyrics. Sa mga hindi nakakaalam, naging bahagi si Nica ng I Can See Your Voice season 3 noong nakaraang taon at marami rin ang nakapansin sa kanyang husay sa pag-awit. Ang kanyang kantang Madiskarte na Pinay at Seryosohan ay may libu-libong hits na sa YouTube at patuloy pang tumataas.
Sino sa tingin mo sa kanila ang kaabang abang? May alam ka bang hindi naisama sa ating top list?