Icons Feed

Keep up with your idol!

Bugoy na Koykoy, nagsalita na patungkol kay Pricetagg

Nitong nakaraan, naging usap-usapan sa internet ang beef ng dalawang pinakamainit na rapper sa eksena ngayon na si Bugoy na Koykoy, at Fliptop rapper na si Pricetagg.

Matatandaan na nagviral ang video ng dalawang rapper na ito, kung saan inaalok ng collaboration ni Price si Bugoy, ngunit tila pinagtitripan nya lang ito at ginagawang katatawanan.

Ang pagkalat ng video clip na ito sa social media ay hindi ikinatuwa ni Pricetagg at sinisisi nito si Bugoy.

Ayon kay Pricetagg, alam nya na nakavideo ang paguusap nila nung araw na yun. Ang hindi nya lang daw umano maintindihan ay bakit kailangan pang lumabas ng video na iyon sa social media, gayong magkaibigan naman silang dalawa.

Matagal naging tahimik dito ang rapper na si Bugoy na Koykoy pero ng maitanong ito sa isa sa kanyang latest podcast interview, nagsalita na rin ito at nagbigay ng kanyang pahayag.

Ayon kay Bugoy, sineswerte daw ang mga rapper na ito kung magkakaroon sila ng beef sa kanya.

Ayon pa sa kanya ay wala syang inaaway na rapper. At kung may kumakalat man sa internet na may kaaway sya, ay sa kanila lang daw umano iyon nangagaling at sa mga fans nila.

Para sa update tungkol dito, antabayanan ang aming latest upload sa Facebook at Youtube.