Icons Feed

Keep up with your idol!

10 Rappers Na Jackpot Sa Kanilang GF/Asawa

Ang Sampung kilalang rapper na may asawang model

Sabi nga nila, “Behind every successful man is his woman.” May isang taong pinakaproud sa lahat ng mga achievement nila sa buhay. Pero may idea ba kayo, kung sino-sino ang mga local artist natin ang may sexy o napakagandang partner, girlfriend o asawa?

#10 Nikolson Makino – Siobe Lim/Krystal Mana
Nagkaroon man ng hindi pagkakaintindihan, mas pinatibay naman nito sina Nik Makino at Kate Lim, lalo na ngayon na kasama na nila ang kanilang baby Georgina. Bukod sa pagiging full time mom, owner rin si Kate ng kanyang online business na Casino Georgina.

#9 Skusta Clee – Zeinab
Masasabing pinakamaingay na couple sa rap scene ang ZeiRyl (Skusta Clee & Zeinab) dahil na rin sa maraming ganap sa kanilang relasyon. Ngunit ngayong taon lang ay ginulat nila tayo sa balitang nagkabalikan na sila at ipinagbubuntis ni Zeinab ang kanilang anak. Si Zeinab ay isa ring vlogger, social media influencer, endorser at full time mom sa kanilang baby girl.

#8 Al James – Girlie San
Ang girlfriend naman ng upcoming artist na si Al James ay si Girlie San na isang model at vlogger na siyang in frame rin sa Ngayong Gabi official audio ni Al James. Sa ngayon ay may humigit kumulang tatlong taon na silang dalawa kasama ang kanilang furbaby na si Light the dog.

#7 Flow G – Pastillas Girl
Si Archie dela Cruz aka Flow-G ay sikat na rapper na miyembro ng Ex Battallion at kilala sa kanyang mga single na Miss Flawless at Araw Araw Love. Ang girlfriend naman niyang si Angelica Jane Yap ay nakilala naman sa Showtime bilang si Pastillas Girl. Si Angelica ay isang vlogger, content creator, at CEO ng kanilang Tea Mebs milktea shop. Mapapanood at mas makikilala natin ang Team Ebs sa mga vlog nila sa YouTube Channel ni Angelica.

#6 Matthaios – Tricia Baylosis
Unang naging matunog ang pangalan ni Matthaios o Jun Matthew Brecio sa kanyang hit song na Catriona. Sa music video ng kanta niyang Nararahuyo una nating nakita ang girlfriend ni Matthaios na si Tricia Baylosis. Si Tricia ay isang matagumpay na chef na sa ngayon ay isa sa nagmamanage ng kanilang family business, ang sikat na F. Baylosis Restaurant. Isa rin siyang entrepreneur, vlogger at online streamer. Ngayong buwan ay nagcelebrate sila ng kanilang first anniversary.

#5 Ron Henley – Aira Castor
Hindi lang isang model ang kasintahan ng multi-awarded rapper at songwriter na si Ron Henley. Isa ring magaling na Hair and Makeup Artist at Cosplayer si Aira Castor na nakabase dito sa Manila. Ang kanilang lowkey relationship ay inspirasyon ng ilan dahil sa suporta ni Aira sa rapper na boyfriend.

#4 John Roa – Raina Martin Eguia
Nakilala natin ang artist na si JRoa o John Neil Roa na mula sa Visayas sa kanyang pagsali sa Tawag ng Tanghalan hanggang sa pagsikat ng kantang Hayaan Mo Sila kasama ang ExBattallion. Ngayong taon ay nagcelebrate sila ng kanyang longtime girlfriend na si Raina Martin Eguia ng kanilang 5th anniversary. Si Raina ay isa ring beauty product endorser at make up vlogger. Kasama rin si Raina sa music video ng latest track release ni Jroa at Flow G na Hanggat Maaari, maging sa video ng cover nila ng kantang 19 by JNSKIE.

#3 Apekz – Basha Claire
Isa sa mga pinakahinahangaang battle MC ng FlipTop si Apekz Cadiente na nakilala sa kanyang mga malulupit na rebutt at wordplay. Para sa ilang hindi nakakaalam, may isang taong kasama ni Apekz mula noong nagsisimula pa lamang siya. Ito ay si Christine Claire Elnas o Basha para sa malalapit sa kanila. Siya rin ang may-ari ng A-Z clothing line at number one supporter ng one of our favorite MC of all time.

#2 DCoy – Chacha Pega
Isa sa mga tinitingalang artist si Nikusheen o DCoy ng mga baguhang rapper ngayon dahil sa tagal nito sa industriya. Sa mga hindi nakakaalam, ang asawa ni Dcoy ay ang model at product endorser na si Chacha Pega. Ngayong taon ay nagcelebrate sila ng kanilang ikalimang anibersaryo kasama ang kanilang baby girl na si Georgina Keira.

#1 Shehyee – Ann Mateo
Si Ann Mateo ay isang model, endorser at tech enthusiast. Isa rin siya sa mga pinakasikat na online videogame streamer. Ngayong taon ay nagcelebrate si Shehyee ay Ann, ng kanilang 8 year anniversary. Masasabing isa sila sa mga couple goals ng millenials dahil pati sa negosyo ay magkasama sila. Sa ngayon ay may collaboration sina Shehyee at Ann sa kanilang Love Army clothing line na magrerelease ng hoodies na limited edition.

May kilala ka bang rapper na may magandang girlfriend o asawa na hindi natin naisama sa ating top list? Let us know!