Icons Feed

Keep up with your idol!

Anak ni Francis M sa isang Flight Attendant, ipinakilala na sa Publiko

Mainit na pinaguusapan ngayon sa social media ang paglabas sa Pinoy Pawnstars ng babaeng nagpakilalang naging karelasyon umano ng King of Rap na si Francis M. Dito ay ipinakilala nya rin ang nagngangalang “Cheska” na di umano’y anak ni Francis M sa kanya.

Anak ni Francis M

Ayon kay Abegail Rait na dating Flight attendant, hindi daw sya nagsalita sa loob ng 15 years, at para daw ito sa anak nya na si Cheska, at sa tingin din daw nya ay karapatan nya ito.

Samantala, ipinamalas naman ni Gaile Francesca ang kanyang rap skills kung saan ipinerform nya ang verse ni Francis M sa kantang “Bagsakan”.

Francis M illegitimate Daughter

Hinangaan ng marami ang performace na ito ni Cheska, kaya nang tanungin ni Boss Toyo kung may balak itong mag artista ay sinabi ni Abegail na lalabas din sa music scene ang anak nila ni Francis M na si Cheska soon..