Icons Feed

Keep up with your idol!

Music Producer Reacts to Toni Fowler’s MPL Music Video

Nito lang nakaraan ay usap-usapan ng netizen ang music video ni Toni Fowler kung saan nagpakita ito ng mga eksenang hindi angkop sa mga bata at ilang manonood.

Sa kabila ng mga pamumuna kay Toni ay mas pinili nitong hindi alisin ang nasabing music video na ito sa YouTube. At sa halip, sa kanyang Facebook post ay tinawag nyang pambabash sa kanya ang mga pamumunang ito at ipinagpasalamat ito, dahil pinapayaman daw umano sya ng mga ito.

Samantala, nagbigay naman ng opinyon ang rapper at music producer na si RC Blizz tungkol dito at sinabing wala dapat sa social media ang gatinong uri ng music video.

Pinuna rin nito ang mga vlogger at content creator na nagtatanggol kay Toni Fowler, at mga nagpapa-hype pa sa music video na ito.