Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is RC Blizz

RC Blizz

Real Name: Rafael Concepcion
Born: December 31
Alias: RC Blizz, RC
Occupation: Singer, rapper, songwriter, music producer

RC Blizz Biography

Si Rafael Concepcion na kilala sa kanyang stage name bilang si RC Blizz ay isang rapper, songwriter at music producer/beat maker na tubong Gen. Mariano Alvarez Cavite, Philippines. Siya din ang nagtayo ng independent record label na DNBC Music Productions.

Nagsimulang mag-ingay si RC sa social media noong siya ay nagsagawa ng online rap competition na inanunsyo nya sa kanyang Facebook page at tinawag nyang “16 bars challenge” na nilahukan naman ng daan-daang aspiring rappers, maging ng mga artists na may matutunog nang pangalan sa Hip-hop scene.

Ilan sa mga trabaho ni RC ay ginamit, at naipalabas na sa TV show ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng GMA Network at television program ng Department of Education na DepEd TV.

Taong 2022, ay naglabas din siya ng single bilang “tribute” sa mga magigiting na Philippine Air Force na pinamagatan nyang “Hukbong Himpapawid“.

Bukod sa paggawa at paglalabas ng sariling kanta, si Rafael ay naglalabas din ng mga free beats sa YouTube na libreng nagagamit ng mga aspiring rappers ngayon.

Mapapakinggan ang mga ginawang rap/kanta ni RC sa YouTube, Spotify, Apple Music at iba pang kilalang music store at streaming platform.