Icons Feed

Keep up with your idol!

Pangil Sa Pangil (PSP)

Pangil Sa Pangil (PSP Entertainment)

Founder: Mr. Phoebus, King Badger
Establish: November 7, 2023

Ang Pangil Sa Pangil o PSP (PSP Entertainment), ay isang liga ng rap battle sa Pilipinas, na hinango sa Fliptop, na tinagurian namang kauna-unahang rap battle league dito sa Pilipinas.

Ang founder ng PSP ay ang rapper at negosyante na si Mr. Phoebus at kapartner nya dito ang Ex Battalion member na si King Badger.

Nakilala ang PSP Entertainment sa pagkakasa ng mga bigating laban. At pagbibigay ng malaking talent fee, sa mga battle rapper na sumasalang dito.

CONTROVERSY

Ang PSP ay binalot ng kontrobersiya ng ginanap ang laban ng parehong Isabuhay champion ng Fliptop na si Mhot at J-Blaque sa Cebu.

Ang mga live audience ay nagsigawan ng “luto” at “boo” nang ianunsyo ng host na si Mr. Phoebus na nanalo si Mhot, kontra sa kalaban nito.

Dahil sa nangyari ay agad na binawi ito ni Mr. Phoebus at inanunsyo na si J-Blaque daw talaga ang nanalo dito.

Paliwanag ni Mr. Phoebus, ginawa nya daw ito para hindi masira ang kredebilidad ng PSP, pati na ng mga battle emcee na sumasali sa ligang ito.

Panoorin ang detalye tungkol dito, sa mga video na nasa ibaba.

J-Blaque vs Mhot, binago ni Mr. Phoebus ang resulta

BLKD, hindi sang ayon sa ginawa ni Mr. Phoebus

Reaksyon ng mga battle MC sa nangyari

Ang pagkumpara kay Phoebus at Anygma

Pangil Sa Pangil – Mhot vs J-Blaque | MATIRA MAYAMAN (Full Video)