Who is Flow G
Name: Archie Dela Cruz
Born: August 15, 1996
Alias: Flow G
Occupation: Rapper, songwriter
Reppin: Ex Battalion
Flow G Biography
Si Archie Dela Cruz na kilala sa kanyang stagename bilang si Flow G ay isang rapper at songwriter na tubong Alabang, Muntinlupa City.
Isa ang rapper na si Flow G sa namamayagpag ngayon sa industriya. Wala na nga yatang hindi nakakakilala sa kanya magmula nang pumutok ang grupong EXB dahil sa hit song nilang ‘Hayaan Mo Sila’ taong 2017. Kaya naman balikan natin ang buhay ni Flow G bago nya narating kung nasaan sya ngayon.
Pangalawa sa tatlong magkakapatid. 13 years old sya nang magsimulang magrap at taong 2012 gamit na ang kanyang stage name na Flow G, sumabak na sya sa mga rapcon hanggang nakilala sya ni Mark Maglasang na head ng grupong Ex Battalion. Dito ay nakapaglabas sya ng mga kanta kasama ang grupo tulad ng ‘Rich Kid’ na talaga namang pumatok lalo na sa mga kabataan.
Sa pagteteam up nga ng OC Dawgs kasama si Skusta Clee na best friend nya at Ex Battalion taong 2017 ay nailabas na nila ang hit song na ‘Hayaan Mo Sila’ na mabilis na nagtrending at nagkaroon ng hundred million hits sa YouTube dahil sa tema nito. Naging laman agad ng social media ang track kasabay din ng pagsikat ng mga nasa likod nito.
At dahil dito, naging sunud sunod na rin ang appearance ng grupo sa mga tv shows tulad ng Wowowin ni Willie Revillame. Napanood din natin sila sa Victor Magtanggol ni Alden Richards. Nafeature din sila sa Magpakailanman at doon ay nalaman natin ang kwento kung paano sila nagsimula. Hanggang sa makilala sila ni Ms Aiai Delas Alas at naging manager nila. Sa panahong ito ay gumawa pa sila ng pelikula kasama ang aktres at nakapagtour abroad ngunit di nagtagal ay binitawan din sila nito dahil umano sa ilang di pagkakaunawaan.
Ganunpaman, nagpatuloy lang ang grupo sa paggawa ng kanta at naging daan pa nga ang isa dito para makilala ni Flow G ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso, si Angelica Jane Yap o Pastillas Girl.
Naging maganda ang pasok ng taong 2020 para kay Flow G dahil sa kantang Halik kung saan featuring sya dito ng magaling na rapper na si Gloc 9. Tila isa nga raw itong dream come true para sa kanya. Marami ang nakapansin ng husay nya sa kantang ito at lalo pa syang hinangaan. Nagkaroon din ng disstrackan sa pagitan nila ng battle rapper na si Six Threat ng parehong taon.
At nakaraang taon naman ay lalo pang umingay ang pangalan ni Flow G nang magsama ulit sila sa isang kanta ni Gloc 9 na Ibong Adarna. Nagguest din sya sa Showtime kasama ang ilang kagrupo. Nadagdagan pa ito dahil naman sa collaboration nila ng kontrobersyal na rapper na si Bugoy na Koykoy sa kantang ‘STIG’. Pinagkaguluhan ito ng mga fans na may 23 Million hits na agad sa YouTube mula ng iupload ito noong November 2021. Bago rin matapos ang taong ito ay nagkaroon din ng online concert na EVOLUXION ang grupong kinabibilangan ni Flow G na ExBattalion.
Sa pagpasok naman ng 2022 ay inilabas ni Flow G ang kakaibang motivational song nyang ‘Batugan’ at sa isang vlog ni Flow G ay sinabi nyang marami pa tayong aabangan sa kanya ngayong taon at sisikapin umano nyang makapaglabas pa ng mas maraming kanta.