Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Bugoy Na Koykoy

Koykoy Sorrento

Name: Koykoy Sorrento
Alias: Bugoy na Koykoy, BnK
Birthdate: September 21
Occupation: Rapper, Vlogger, Entrepreneur
Reppin: 2Joints, Daily Flight

Bugoy Na Koykoy Biography

Ang kilalang rapper, vlogger at street Entrepreneur na si Bugoy na Koykoy ay tubong Sorrento, Cavite.

Isa sa kontrobersyal na rapper si Bugoy dahil sa mga kanta nito about hustlin, ie pera, babae, kotse pati na ang naging buhay nya sa kanyang hometown. Dagdag pa nito ang pagiging misteryoso nya dahil hindi niya idinidisclose ang kanyang totoong pangalan.

Sa isang live ni Koy ay naikwento niya na bata pa lamang daw sya nang magsimula sya sa paghustle nya. Nasubukan nya raw ibenta ang kanyang laruan sa kapwa bata rin at simula raw noon ay nagustuhan na nya ang pakiramdam na nakakagawa sya ng sarili nyang pera.

Naging usap-usapan si Koy sa internet dahil sa tatlo nitong girlfriend, at maging ang pananaw nito sa pakikipagrelasyon.

Si Bugoy rin ang founder ng 2 Joints Enterprise at may sarili din siyang clothing line na Daily Flight. Ilan sa mga sikat na kanta ni Koy ang STIG kasama ang rapper na si Flow G, Benta Bounce, Rich Agad, Holding Hands at iba pa na maaring mapakinggan sa lahat ng digital platforms.

Controversy

Ang pagkakaroon ni Bugoy Na Koykoy ng tatlong asawa ang isa sa maingay na pinaguusapan ngayon sa social media. Marami ang tumutuligsa dito dahil tila nino-normalize nya na ito. Maging sa mga word of wisdom ni Bugoy na ipinopost nya sa social media ay marami naring nambabash at isa na nga dito ang kapwa rapper nya na si RC Blizz.

Pero sa kabila ng mga ito, hindi padin nagpapatinag si Koy at sa halip, binibigyan nya ng oras para sagutin ang mga basher nya at pinapangaralan nya ang mga ito. Read: Reaksyon ni Bugoy Na Koykoy sa mga Basher