Icons Feed

Keep up with your idol!

Fans ng Ex-Batallion gulat na gulat sa live performance nila na walang ‘Autotune’

Gulat na gulat ang marami ng mapanood online ang live performance ng grupong Ex-Battalion na nagpasikat sa kantang “Hayaan Mo Sila” sa MYX Squad Fest.

Ang kantang “Hayaan Mo Sila” ay sikat na sikat ngayon lalo na sa mga kabataan dahil sa napakagandang pagkakasulat at talaga namang nakaka-LSS na kanta, kaya naman matunog na matunog ngayon ang grupong Ex-Battalion at tugtugan ngayon sa bawat kanto ang mga ginawa nilang kanta,pati narin sa radyo.

Ang kantang “Hayaan Mo Sila” ng Ex-Battalion ay nagtrending sa Youtube dahil sa nakakaaliw na music video ng nasabing kanta.

Sa post ng Myx Philippines sa facebook na may hashtag na #MYXsquadfest ay mapapanood ang live performance ng nasabing grupo at kapansin pansin ang bawat komento dito.

Dagsa ang bashers sa nasabing video dahil sa live performance nilang walang “autotune” sakanilang boses. Ang Autotune ay ang kilalang ginagamit ng mga record producer para sa pagproseso ng boses ng bokalista na nagtatama ng tono at nagbibigay ng kulay sa boses ng gagamitan nito.

Ang nasabing video ay umani ng umabot sa mahigit 445,000 views sa facebook at may mahigit 5000 shares at 15,000 likes.

Sa ibaba ay mapapanood ang live performance ng grupong Ex-battalion sa kanilang kanta na “Hayaan Mo Sila”

Anong masasabi nyo sa performance ng Ex-battalion sa video? Leave your comments. Wag kalimutang ishare!