Icons Feed

Keep up with your idol!

Badang, maglalabas ng bagong album?

Darwin Lerona Ferianeza also known as Badang

Usap-usapan ngayon sa social media ang rapper na si Badang matapos magpost sa social media ng isang kapwa rapper na maglalabas daw ito ng bagong album.

Sa larawan na ipinakita ng rapper na si Mista Blaze sa kanyang facebook account, sinabi nito na gusto niyang mapakinggan ang bawat songs sa album ni Badang.

“Yo Christopher Dantes pasensya ka na pero gustong gusto ko mapakinggan ang mga songs ng album ni badang kung totoo man to. Kung sa english I’m very interested. Sa mga title palang solid na solid na.” ayon sa post ng rapper na si Blaze.

Ang Christopher Dantes na tinutukoy sa Facebook post ni Blaze ay walang iba kundi ang kanyang kagrupo na si Sly Kane.

Matatandaan na minsan nang nagka-issue ang rapper na si Badang at si Kane dahil umano sa tangkang pangmomolestya ng rapper na si Badang sa anak na babae ni Kane.

Badang scandal

Ang isang nakakaagaw ng pansin sa larawan na facebook post ng kagrupo ni Kane na si Blaze ay ang mga title ng bawat song sa album ni Badang, lahat kasi iyon ay kasama sa mga sinabi ni Kane sa viral video na iskandalo na kinasangkutan ni Badang.

Badang upcoming album

Anong masasabi mo tungkol dito? Totoo nga kayang maglalabas ng album si Badang katulad sa nasabing Facebook post? Mag iwan ng komento!

Abangan ang iba pang update tungkol dito.