Icons Feed

Keep up with your idol!

Gloc-9 at Shanti Dope sa Bone Thugs-N-Harmony concert!

Sa pangalawang concert ng Bone Thugs-N-Harmony na gaganapin dito sa Pilipinas, Gloc-9 at Shanti Dope, sasalang din!

Gloc-9, Shanti Dope to perform at Bone Thugs-N-Harmony concert

Mapapanood ang rapper na nagpasikat sa kantang “Nadarang” na si Shanti Dope at ang Rap icon na si Gloc-9 sa nalalapit na konsyerto ng Bone Thugs N Harmony dito sa Manila.

Ang konsyerto na ito ay gaganapin sa ika-lima ng Setyembre (September 5) sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Ang international Rap group na Bone Thugs ay minsan nang nagkonsyerto dito sa Pilipinas noong taong 2014 at sa kanilang performance, dinedicate nila ito sa mga biktima ng super typhoon Yolanda at pagbibigay ng tribute sa Pinoy Rap Legend na si Francis M.

Ang Bone Thugs-n-Harmony ay Grammy-winning Hip-hop group na nakilala sa kanilang mga hit kabilang na ang kanilang kanta na “Crossroads” at “Days of Our Lives.

Nakakuha kanaba ng ticket? Kung hindi pa, kuha na sa SM tickets at maki-jam, maki-saya at maki-party!