Icons Feed

Keep up with your idol!

Rapper Abaddon and Hi-Jakkk Beef

Abaddon and Hi-Jakkk of Death Threat

Mainit ang palitan ng komento ng dalwang rapper na si Hi-Jakkk ng Death Threat at Abaddon sa kanilang Facebook post.

Nagsimula ito ng magpost si Hi-jakkk sa kanyang facebook account.

“Anong norem? UL*L!!! – DTG4LYF!!!”  – Hi-jakkk ng Death Threat.


Agad na nagreact ang rapper na si Abaddon at dumepensa dahil kasama siya sa kantang “Norem” ni Gloc-9 na dating miyembro din ng Death Threat.

“Tutal kasama ako sa norem na kanta, siguro may karapatan akong magsalita!” facebook post ni Abaddon.

“Huwag kang maingay sa facebook sir Teflon Don (Hi-Jakkk), rapper tayo, gawa ka ng kanta, doon ka tumira. Tapos kapag approved, sagutin ka namin.” dagdag pa niya.

Agad na rumesbak ang miyembro ng Death Threat sabay banat na dati na raw umanong nagpapapansin itong si Abaddon sa leader ng grupong Death Threat na si Beware.

Aniya, dati pa daw gustong mapabilang ni Abaddon sa grupong Death Threat.

Umamin naman si Abaddon sa mga siniwalat ni Hi-Jakkk.

Inulan ng komento at mga reaksyon ang girian ng dalawang rapper at agad na kumalat ito sa social media.

Ano ang inyong masasabi tungkol dito? Nag iwan ng iyong opinyon.