Icons Feed

Keep up with your idol!

Beware ng DeathThreat, nakikipag-ayos na kay Gloc-9?

Maugong ang bali-balitang nagpapahiwatig na ng pakikipagkasundo ang rapper na si Beware sa kaalitan nitong rapper na si Gloc-9

Ayon sa Facebook post ng founder ng Rap group na DeathThreat na si Beware ay sinabi nitong “Ayaw nya ng may kaaway”. Nabanggit din nito na maaaring ang mga nakapaligid lang din sa kanilang dalawa ang nagpapagulo ng lahat.

Ayon pa sa kanya ay ang paguusap nilang dalawa ay gugulat sa mundo.

Ayaw ko ng may kaaway, kung alam nyo lng..cno ba may gusto ng ganun dba? Pero kung magkaka ayus tyo oks lng din saken…wala naman tlgang tayong masamang tinapay, mga naka paligid lng cgro ang nagpapa gulo saten dalawa… Kung darating ang oras na magkaka ayus tyo ulet, cgro mas malupet yun lalo tol! U Still ma nigga! Isang malupet na pag uusap lng eto at magugulat ang mundo! Hehehhe.. U know me… Braaaaap! #Dtg4Life #UsapTayoBagoPaLumala

Nagpapahiwatig na nga kaya ang rapper na si Beware para makipag-ayos? Dito na nga kaya magtatapos ang matagal nang alitan ng dalawa?

Beware of DeathThreat Facebook post:

Si Beware ay matagal nang may hinanakit kay Gloc-9 at matatandaan na naglabas pa ito sa Youtube ng awitin kung saan binabanggit pa nito ang pangalan ng rapper na kanyang pinapatamaan sa kanta.

Taong Walang Utang Na Loob – Beware (Gloc-9 Diss)

Si Beware ang nagpasikat sa kantang “Gusto kong bumaet pero di ko magawa” noong 90’s.

Abangan ang iba pang update sa Hiphop scene dito lamang sa iconsfeed!