Icons Feed

Keep up with your idol!

Ang pagbabalik ng ‘Rhythmically Applied Poetry’!

Kamakailan, ang pinakamalaki at numero unong support page ng mga indie rappers na Rhythmically Applied Poetry ay bigla na lamang nawala sa hindi malamang dahilan.

Ang page na ito ay mayroong mahigit 200,000 followers sa facebook kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pagkawala nito.

Sa interview ng PHS sa founder ng nasabing page na si Jay-R Hulagno, sinabi nitong sinubukan nyang irecover ang page sa pamamagitan ng pag appeal ngunit walang feedback ang Facebook tungkol dito. Kaya naman minabuti ni Jay-R na gumawa nalang ng panibago at magsimula ulit sa umpisa.

Mabilis na nakabawi ang page dahil sa suporta narin ng mga napamahal dito, at sa kasalukuyan, meron na itong 4,000 mahigit na followers sa social media at patuloy parin ito sa pagsuporta sa mga artist.

Gusto mo ng Free promotion ng mga tracks mo? Like/Follow lang sa page ng Rhythmically Applied Poetry Facebook page!