Icons Feed

Keep up with your idol!

Kumpirmado na! PriceTagg vs Makagago sa Sunugan, pinalagan!

Loonie vs Makagago, hindi na matutuloy, pero ang Makagago vs PriceTagg kinakasa na!

Makagago vs PriceTagg

Matapos na umugong ang usapang Loonie vs Makagago rap battle at matapos magkaroon ng di pagkakasundo pagdating sa talent fee, pinilit ng rapper na si Makagago matuloy ang event na kanyang ikinasa na gaganapin sa San Pablo Laguna sa February!

Read: Makagago, hindi kaya ang ₱500,000 na hinihingi ni Loonie bilang ‘Talent Fee’

Makakaharap ni Makagago sa rap battle si PriceTagg ayon sa kanyang live video sa youtube na binigyang linaw naman agad ni PriceTagg.

“…hindi nga natuloy yung laban nila, ngayon nakita ko sa live ni Makagago na parang gusto nyang ituloy yung PriceTagg vs Makagago. Well, ito lang ang masasabi ko, kung gusto nyang ituloy yun… Let’s do it!” sinabi PriceTagg.

PriceTagg in the studio

“Hindi ako hihingi ng Half a Million, pero hihingi ako ng talent fee kay Mike Swift enough para bayaran ako at sumampa para labanan ka.” dagdag pa ni PriceTagg

Inaya ni Price si Makagago na sa Manila ganapin ang battle pero kung hindi daw papayag si Jayson, kahit saan ay pwede sya matuloy lang ang rap battle.

“Kung gusto mo sana sa Metro Manila natin gawin kung hindi ka papayag, kung sa sinasabi mo na San Pablo Laguna kung saan taga d’yan ka, walang problema. Lalapag ako dyan mismo. Gawin natin yung battle mismo sa lugar mo, kung san mo gusto. Malapit sa bahay mo tapat ng bahay mo or kung saan ka man sa San Pablo na sinasabi mo I’m good!” Ayon kay PriceTagg.

“Gusto kita matitigan ng mata sa mata at makita kita ng personal” dagdag pa nya.

Kaninong side ka? PriceTagg o Makagago? Mag iwan ng komento sa ibaba.