Icons Feed

Keep up with your idol!

Loonie vs Makagago sa Fliptop, malabong mangyari ayon kay Anygma!

kamakailan, naging maugong at usap-usapan sa social media ang posibleng paghaharap ni Loonie at Makagago sa Fliptop. Ito ay matapos hamunin ng “Diss King” ang “Hari ng Tugma” sa kanyang Live video kasama ang internet sensation na si Sir Jack.

Sinabi pa ni Makagago na willing daw siya na bumattle kay Loonie kahit na wala daw itong talent fee basta magkaharap lang daw silang dalawa ng iniidolo nya.

Sa kagustuhan ni Makagago na makaharap si Loonie sa isang battle ay nag send pa ito ng personal message kay Anygma sa pamamagitan ng messenger.

“Sir Anygma, si Makagago ito. Pwede po ba na mabigyan nyo ng pansin ang hinihingi kong laban sainyo? Libre lang po pupunta lang po talaga ako, gusto ko lang makipagbattle kay Loonie.” message ni Makagago sa founder ng Fliptop.

Matatandaan na minsan na tinira ni Makagago si Anygma sa kanyang rap limang taon na ang nakakalipas.

Ngunit ang mensahe na ito ni Makagago ay hindi pinansin ng may ari ng Fliptop hanggang sa napagusapan ito sa isang interview kay Aric at sinabi nitong hindi lahat ng gusto sa buhay ay makukuha.

“Ano bang nagawa ni Makagago para i-deserve yung match-up na yon? Ang dami-dami ngang deserving makalaban si Loonie eh, hindi pa nangyayari eh, o posibleng hindi talaga mangyari. Diba?” Sinabi ni Anygma sa interview ng malaman nya ang tungkol sa paghahamon na ito.

“Lahat tayo may gusto sa buhay eh, pero hindi naman lahat yun nakukuha natin.” dagdag pa ng founder ng Fliptop.

Tingin mo? May pag-asa pa kayang magkaharap si Loonie at Makagago sa isang rap battle? Kailangan pa nga ba itong maganap? Magiwan ng iyong komento!