Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago, may surpresa sa paparating na laban nila ni Loonie sa Sunugan

Nagpasalamat ang rapper na si Makagago kay Mike Swift ng mag anunsyo ang Sunugan Rap Battle na bukas ang kanilang pintuan para sakanya kung gusutuhin nito na sumalang. Ito ay matapos sya na tanggihan ng founder ng Fliptop Battle League na si Anygma na bigyan sya ng pagkakataon na makalaban si Loonie.

You may also like
Makagago, tablado sa Fliptop; Pero welcome sa Sunugan Rap Battle
Loonie vs Makagago sa Fliptop, malabong mangyari ayon kay Anygma!

Ayon sa Facebook post ni Makagago, magaganap ang laban nila ni Loonie sa San Pablo Laguna sa February.

“Mukhang kasado na ang laban ko kay Loonie sa Sunugan. This Feb!!!! SanpabloLaguna to.” sinabi ni Makagago sa kanyang Facebook post.

“Sana nandon lahat ng mga taong nagsabi na mabababoy ako ni Loonie.” dagdag pa nya.

Ayon pa sa kanya ay meron daw siyang nakaabang na surpresa para sa lahat.

Kaabang abang diba? Anong masasabi nyo tungkol dito? Ano kaya ang surpresang aabangan natin sa “Diss King” sa paghaharap nila ng “Hari ng Tugma”? Mag iwan ng iyong komento sa ibaba.