Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago, tablado sa Fliptop; Pero welcome sa Sunugan Rap Battle

Matapos na tanggihan ng founder ng Fliptop Battle League na si Anygma ang hiling ni Makagago na isalang at paglabanin sila ni Loonie, nag anunsyo naman ang Sunugan (Rap battle) na kung gugustuhin daw ng “Diss King” na sumalang sa battle ay bukas ang kanilang pintuan para sakanya.

(Basahin kung paano tinanggihan ni Anygma si Makagago sa hiling nito na makasalang sa Fliptop. Click here)

Matatandaan na minsan narin ginawan ng diss ng rapper na si Makagago ang may ari ng Sunugan na si Mike Swift, pero sa kabila nito ay tatanggapin parin nila ito sa liga.

“MAKAGAGO, is one of the most disrespectful ever in Pinoy Hiphop History. Kung magka interest sya lumaban sa SUNUGAN, our doors and our minds are open mapanood sya makipag sunugan LIVE in person.” Facebook post ng Sunugan Rap Battle.

Iba-iba naman ang reaksyon ng Hip-hop fans sa anunsyong ito ng nasabing liga. May mga suggestions na si Sinio ang iharap sa kanya sa battle, may mga nagaabang na magkaharap sila ni Loonie, meron ding nagsasabing wag nalang pansinin si Makagago at ang iba ay pinagkakatuwaan lamang ang rapper na ito.

Anong masasabi mo tungkol dito? Posible kaya na sumalang si Makagago sa Sunugan Rap Battle? Sino ang gusto mong makaharap nya sa laban? Mag iwan ng iyong komento sa ibaba.