Icons Feed

Keep up with your idol!

Mike Kosa to Estranghero: ‘Tignan natin kung hanggang saan ang angas nito’

Rapper Mike Kosa, sinagot ang mga tanong sa kanya kung bakit hindi na sya sumasalang sa Rap battle!

Mike Kosa vs Estranghero

Ayon kay Mike, malimit daw na itanong sa kanya kung kailan sya babattle at kung bakit hindi sya sumasalang sa rap battle na binigyang linaw nya naman sa kanyang Facebook post.

“Kelan Ka ba babattle? bat di ka Sumasali? Takot ka Siguro? Malimit na tanong yan Sakin Pag meron mga Taong Ngayon lang Ako nakausap. Sagot ko lang busy ako, daming trabaho masyado na silang magaling para sakin. Parang Di tanggap ng kausap ko ang sagot ko mahusay naman daw ako lalo na sa mga nagawa kong kanta” sinabi ni Mike Kosa sa kanyang facebook post.

Ayon kay Mike kosa ay isang tao lamang daw ang kanyang gustong makabattle at yun ay walang iba kundi ang rapper na si Estranghero. Upang subukan kung hanggang saan ang angas nito.

Mike Kosa Facebook post

Matatandaan na minsan na nagkaroon ng collaboration ang dalawa na sa kasalukuyan ay mayroon nang 4 Million hits sa Youtube. Panoorin sa ibaba.