Icons Feed

Keep up with your idol!

Rapper Badang, Trending Nanaman! Alamin Kung Bakit

Usap-usapan nanaman ang rapper na si Badang sa social media matapos na kumalat ang Facebook post ng nagngangalang Vherna Fernandez, kung saan, naka screenshot ang chat conversation nilang dalawa ni Badang.

Sa nasabing screenshots, mababasa ang ilang palitan nila ng chat na nasundan ng pagtatanong ng rapper kung open ba sa ‘secret relationship’ o ‘fvck buddy’ ang dalaga.

Dinagsa ng komento, reaction at share ang Facebook post na ito ng babae.

See Vherna Fernandez Facebook post by clicking here.

Dipensa naman ni Badang ay paninira lamang daw ito sa kanya at sinang-ayunan naman ng kanyang mga taga suporta. Ayon pa sa rapper ay ipapatrace nya daw ito sa NBI at kakasuhan ang naninira sa kanya.

“Ang daling kumuha ng picture Gayahin ang fb kunin ang info at Iedtin sa photoshop .tapos kausapin ang sarile gamit ang dalawang mesenger pag usapin ng puro kabastusan sabay ipost napara bang Ka chat mo sabay sisirain ka ..grabe na talaga ang mga tao ngayun gumagawa ng dahilan para sirain ka matrace lang kita sa NBI bagsak mo 100% sinisiguro ko syo yan di nko na nga kyu pinapatulan ganyan padin bwaaaaaa….

Palibhasa naatock na utak nyo sa nakaraan.
Maniwala ka .kakasuhan kita” Facebook post ni Badang.

Ayon pa sa kanya, lumabas ang mga paninirang ito, noong maglibas din sya ng music video.

“Iba na tao talaga ngayun gagawin ang lahat mapabagsak kalang. Naglabas lang ako ng Music Video ang dami ng naglabasang Paninira nanaman… iba na tao talaga ngayun…” post ng rapper sa Facebook.

Panoorin ang music video ni Badang sa ibaba

Anong masasabi mo tungkol sa issue? Mag iwan ng komento.