Icons Feed

Keep up with your idol!

Rapper Shernan, nababash ngayon sa social media

Nababash ngayon ang rapper na si Shernan dahil sa mga sinabi nito sa kanyang facebook page patungkol kay Makagago. Ito ay matapos makarating sa kanya na hinhamon ng Diss King si Loonie sa isang rap battle.

“nakakatuwa ka makagago dahil gustong gusto mo labanan si Loonie, excited na ko sana mangyare yun sana makaharap kita at sana maalala mo tong kantang to pati na rin yung kanta mo kay Francis M at sa iba pang binababoy mo sigurado ako di lang ako nakakaramdam ng ganto pag makita ka,sana (please) kung gano ka katapang at kakupal sa internet ganun ka rin sa personal para naman may thrill” eksaktong sinabi ni Shernan sa kanyang facebook post na dinagsa naman ng mga comment ng followers ni Makagago.

Ang mga nasa ibaba ay ang ilan lang sa mga komento ng bashers ni Shernan sa kanyang post sa Facebook.

“bat now ka lang nag react ? kase lalabanan nya na si loonie ng walang lahirap hirap na ikaw dapat ang gstong lumaban? unfair ba ? wrong wrong wrong”

“iyakin ampota ang tagal tagal na ng diss nayon. hahahahaha wag kang iiyak tol porket makakalaban ni makagago si loonie. di mo kinatapang yang pagbabanta mo. mas lalake pa sayo si pricetagg ginawa nya lang bobo at isip bata si makagago dahil pinamuka nya na mature sya kesa kay mkagago.”

“Tanong ko lang master idol chief shernan matagal na tong diss ni makagago kay thea bakit ngayon ka lang nag react? No hate idol. Hinamon mo na sana ng matagal si mark paglabas palang nung diss vid or pgsimula palang nung beef kay thea para makatikim agad. Haha.”

“kung matapang ka tlga gawin mong mag isa. hindi ung matapang ka lang kasi madami kang kasama. that’s the real G! man.”

“trust me guys, manonood lang yan si shernan sa greatness nung loonie vs makagago na laban. Kaya chill lang tayo. Walang gagawin yan. At totoong gagawa di magbabanta sa social media. Jusmio.”

Hindi naman pinalampas ng rapper na si Shernan ang mga nambabash sa kanya online. Aniya, Si Princes Thea daw ang bunso nilang babae sa All Star Productions at matagal na daw s’ya na nagreact sa ginawa ni Makagago sa bata.

“matagal na yung diss bat ngayon ka lang nag react? sa allstar si thea ang bunso naming babae,nuon pa man nag react na ko at halos lahat sa grupo badtrip sa kanya,pero di ko na kaylangang ipaliwanag tong post ko ngayon atleast alam nya na kung anong meron simpleng mensahe para sa mas “sikat” na rapper daw,basta takits na lang MakaGaygo lahat ng sinabi mo nakaipon yan pag nagkita na lang tayo ha, less talk na lang ako ngayon at ang susunod na maririnig mo sakin ay yung kaharap mo na ko” response ni Fliptop rapper na si Shernan sa mga bashers.

Si Makagago ay kilala sa eksena bilang trash talker, at binansagang most hated rapper sa Pilipinas dahil sa kakaibang trip nito na gawan ng kantang Diss ang sino man na gusto nya.

Kaninong panig ka? Anong masasabi mo tungkol dito? Join the discussion. Mag iwan ng komento sa ibaba.