Icons Feed

Keep up with your idol!

Reaksyon ni Badang sa Loonie vs Makagago sa sunugan

Rapper Badang, may banat sa nalalapit na laban ni Loonie at Makagago sa Sunugan rap battle na gaganapin sa San Pablo Laguna sa February.

Loonie vs Makagago (Badang Reaction)
Rapper Badang, naging mainit sa usap-usapang laban na magaganap sa pagitan ni Loonie at Makagago. Ayon sa rapper ay parehong gago daw ang maglalaban sa sunugan sa kanyang facebook post. Aniya, kahit saan daw sya sa dalawa, dahil pareho naman daw ito. At lalo na daw ang Nora Aunor ng Baguio. (Sino kaya ang tinutukoy nya dito?)
Badang Facebook Post
Matatandaan na si Badang ay dati nang nakaalitan ni Loonie at minsan narin nagkatirahan sa kanilang mga rap. Isa sa mga sumikat na tira ni Loonie kay Badang ay ang kantang “Isang Bara Ka Lang” kasama ang rapper na si Gloc-9 na sinagot naman ni Badang sa kanyang “Ang Sarap Mambara” kung saan tinira si Loonie, Gloc 9, Klumcee, Ron Henly, Dice at 6000 Goonz.

Minsan narin na nagharap si Loonie at Badang sa Fliptop, naging mainit ang laban at palitan nila ng mga bara, pero hindi dito nagtapos ang kanilang alitan.
Anong masasabi mo tungkol dito? Mag iwan ng iyong komento sa ibaba! Wag kalimutan na ishare!