Icons Feed

Keep up with your idol!

Shehyee, pinamigay ang ₱100,000 na kanyang napanalunan sa Isabuhay ng Fliptop!

Pinamigay lang ng rapper na si Shehyee ang kanyang premyong nakuha na isang daang libong piso (₱100,000) sa Fliptop Battle ng magkampiyon ito sa Isabuhay.

Naglaban si Shehyee at Pistolero sa Isabuhay Championship ng Fliptop Battle League at ang boto ng mga hurado ay 5-2 na pumabor naman kay Shehyee.

Si Shehyee ang kauna-unahang gumawa ng ganito sa liga, kaya naman tuwang tuwa ang marami, sa kanilang natanggap. Samantala, humingi naman ng paumanhin ang kampiyon dahil sa pamasahe lamang pauwi halos ang kanyang naipinamahagi sa mga ito dahil sa sobrang dami narin ng bilang ng mga nandoon sa araw na iyon.

Proud na proud naman ang kanyang nobya na si Ann Mateo sa pagkapanalo nito.

Si Shehyee ay dati narin nagkampiyon sa Dos Por Dos ng Fliptop kasama si Smugglaz kontra kay Lonnie at Abra.