Who is Dyords Javier
Dyords Javier Biography |
Name: George Javier
Alias: Dyords Javier
Occupation: Rapper, singer, Stand-up Comedian, Actor, Entrepreneur
Si George Javier na kilala sa kanyang stage name bilang Dyords Javier ay isa sa mga naunang rapper na nag impluwensya sa mga tinitingala natin ngayon sa Hip-hopan. Si George ay sinasabing pinakaunang nakapagrelease ng Rap Song sa Pilipinas sa ilalim ng Wea Records. Ang kanyang single na “Na-Onseng Delight” ay isang Tagalog rendition ng isa sa mga pinakanauna at sikat na Hiphop na kanta nung 1979, ang “Rapper’s Delight” ng Sugarhill Gang.
Bahagi rin siya ng grupong ANG4 o ANGForgettables, kasama sina Isay Alvarez, Bimbo Cerrudo at Pinky Marquez. Ngayon, isa siya sa mga pinuno ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit o OPM. Naging miyembro rin si Javier ng pinaka-unang sikat na noontime show noong 80’s na Student Canteen. Ilan sa mga isinulat niyang kanta ang “Trapik Dyan“, “Ang Galing ng Pilipino” at “Ayoko ng ChaCha.”