Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Michael V

Michael V. Biography

Name: Beethoven del Valle Bunagan
Born: December 17, 1969
Alias: Michael V., Bitoy, Toybits
Occupation: Rapper, singer, songwriter, Actor at comedian

Si Beethoven del Valle Bunagan na kilala sa kanyang stage name bilang si Michael V. ay isang rapper, singer, songwriter, Actor at comedian. Taong 1991, sa pagsikat ng single ni Andrew E. na “Humanap kang Panget,” sumulat si Beethoven (o Michael V.) ng sagot sa kantang ito “Maganda ang Piliin (Ayoko ng Panget).” Noong panahong iyon, naimbitahan ng OctoArts (isang kilalang film production sa Pilipinas) ang kaibigan ni Bitoy na si Lady Diane na magpasa ng demo tape. Napasama sa demo tape ang composition niyang “Maganda ang Piliin” at tuluyan na ngang nagbukas ang pintuan ng showbiz kay Bitoy. Naging popular ito pati na ang buong album.

Ang stage name niyang Michael V. ay hango sa dalawang performer na hinahangaan niya, si Michael Jackson at si Gary V. Nakaugalian na sa mga Filipino rapper noong early 1990s ang pinaikling stage name, tulad nina Francis M. at Andrew E.

Nakilala rin si Michael V. sa kanyang paggawa ng mga parody ng mga sikat na Filipino at foreign songs. Isa sa mga naging hit niya ay ang single niyang “Sinaktan mo ang Puso ko” na mula sa hit single ni Al Yankovic na “You Don’t Love Me Anymore.”