Who is Vincent Dafalong
Vincent Dafalong Biography |
Name: Vincent Quilet
Born: May 7
Alias: Dafalong, Vincent Dafalong
Occupation: Rapper, Singer, Actor, Composer, Songwriter, Radio DJ, Events and Show Organizer, and Comedian
Si Vincent Quilet na kilala sa kanyang stage name bilang si Vincent Dafalong ay isang rapper, singer, songwriter, radio DJ at comedian. Isa si Daffalong sa mga local rap artist na sumikat sa mainstream noong ’80s. Dahil sa kanyang talento sa pagsusulat, nagpasa si Vincent ng kanyang mga composition sa mga kilalang recording studio. Naging daan ito para madiskubre pati ang talento niya sa pagrarap maging sa pagkanta.
Si Daffalong ang sinasabing pinakaunang Pinoy rapper dahil naging big hit ang kanyang single na “Mahiwagang Nunal.” Bukod dito, naging hit din ang mga sumunod niya pang kanta, ang “Ispraken Delight” at “Machoching”, at nakagawa rin siya ng ilang awitin para sa ibang singer, kabilang na ang grupo nina Tito, Vic, at Joey.
Dahil sa kasikatan niya bilang novelty singer, napasama rin siya sa mga comedy films, tulad ng Pabling, Palpak Connection, Batangueno Kabitenyo, SPO1 Don Juan: Da Dancing Policeman, Matinik na Bading… Mga Syokeng Buking, Lawlaw Gang at Yakman: D’Gigil King.
Ang Pinoy rap pioneer ay pumanaw sa edad na 64.