Icons Feed

Keep up with your idol!

List of Rappers na tinira ni Makagago

LIST OF RAPPERS DISSED BY MAKAGAGO

Halos lahat na yata ng Fans ng Hip-hop kilala ang rapper na si Makagago dahil sa kakaibang trip nito. Mula sa pag diss ng mga sikat rapper, sikat na vlogger, modelo at pati narin politician. Si Mark Jayson ay binansagang diss king ng kanyang mga followers sa social media.

Ang mga nasa ibaba ay ang listahan ng mga rappers na tinira ng “social Media Star” sa kanyang rap song.

Dello
Tumatak ang pangalang Dello sa Hip-hop fans sa galing nito mag freestyle. Sya ay isa sa mga pioneer ng Fliptop battle league at isa sa pinaka respetado sa liga.

Curse One
Ang singer/rapper na si Curse One ay sumikat ng magtrending sa internet ang kanyang single na “Masaya Ko Sayo” na nasundan pa ng maraming hit song at isa na dito ang “Muling Manghaharana” at “Nakakamiss”

Zargon
Ang rapper na si Zargon ay kilala sa kanyang pagiging gangster rapper, at sa style ng pagrarap nito na buhay sa kalye base sa kanyang karanasan. Siya ay miyembro ng grupong Sandamukal.

Hearty Tha Bomb
Si Hearty Tha Bomb ay isang female rapper at battle emcee din ng Fliptop na nakilala din dahil sa lakas ng kanyang dating.

Andrew E
Si Andrew E naman ang tinaguriang king of Rap. Wala na yatang hindi nakakakilala sa kanya. Si Andrew ay isa mga pinaka respetado sa eksena. At isa sa haligi at nagtaguyod ng Hip-hop sa Pinas.

Estranghero
Si Estra ay isa sa mga oldschool rappers na nakilala sa galing nito pag dating sa freestyle battle. Miyembro ng grupong Sandamukal.

Negatibo
Isang battle rapper na nakilala sa galing nito mag wordplay. Isa din sa mga kinikilala at respetado sa eksena.

Don G
Ang rapper na si Don G ay nakilala dahil sa kakaibang style nito ng pagrarap. Dating Dongalo artist na ngayon ay may sarili nang label, ang ShotsFired.

Righteous One
Si Righteous One ay isang rapper na nakilala ng mabigyan ng break ng Fliptop kung saan nakasama nito ang mga sikat na personalidad sa eksena, katulad nila Loonie, Dello at iba pa.

Cue C
Si Cue C naman ay nakilala ng magtrending sa internet ang isa sa kanyang single “Ang Ganda Mo” at naging tugtugan sa bawat kanto at eskenita.

Anygma
Si Aric ay ang founder ng Fliptop na nagpalakas ng husto sa Hip-hopan at ang naging daan ng pagsikat ng maraming rappers ngayon katulad nila abra, smugglaz at iba pa.

Hambog ng Sagpro
Si Hambog ay nakilala naman sa pagiging internet rapper at paglalabas ng mga love song rap na pumatok at tinangkilik ng husto ng mga kabataan.

Jawtee
Si Jawtee ay nakilala ng magkaroon sila ng “Beef” ng rapper na si J-skillz at nagpalitan ng mga diss sa isa’t-isa. Si Jawtee ay ang bagong miyembro ngayon ng Salbakuta.

Loonie
Wala na yatang hindi nakakakilala sa multi talented rapper na to. Si Loonie ay nakilala pagdating sa mga rap songs, pati na sa Rap battle hindi lang dito pati na rin sa ibang bansa. Bawat laban na sinasalangan nito sa Fliptop ay nagkakaron ng million hits sa youtube.

Mike Swift
Si Mike Swift naman ang founder ng sunugan. Is asa tumupad ng mga pangarap ng mga rappers na makatungtong sa entablado ng Araneta. Isa sa pinaka respetado at may pinaka malaking ambag sa eksena.

Ex Battalion
Ang Ex Battalion ay nakilala sa kanilang mga sunod-sunod na hit song na nagtrending sa Youtube. Isa sa kanilang hit ay ang kantang “Hayaan Mo Sila”.

Princess Thea
Si Princess Thea ay isang female rapper na nakilala sa kanyang hit song na “Mabangis”. Mula sa Label na AllStar Productions.

Shernan
Si Shernan ay nakilala dahil sa mga cool at entertaining na mga battle nito sa Fliptop at pati na sa mga trending videos na ibinabahagi nit sa social media.

Francis M
Ang master rapper na si Francis M ay ang kaunaunahang nagdala ng rap sa mainstream. Isa sa pinaka respetado at may pinaka malaking ambag dito sa eksena.

Share mo na! Wag kalimutan na mag-iwan ng komento! Kung sakaling may hindi kami naisama sa list na ito paki comment nalang po. Para maidagdag natin.