Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago vs Pricetagg, madaming dismayado!

Mike Swift & Makagago

Mula ng lumutang ang usaping Makagago versus Loonie at matapos na hindi bigyan ni Anygma ng laban si Makagago sa Fliptop, marami ang naging dismayado ng pagbuksan ng pinto ni Mike Swift si Makagago sa Sunugan at bigyan ng laban. Read: Loonie vs Makagago sa Fliptop, malabong mangyari ayon kay Anygma!

Hindi makakaharap ni Makagago si Loonie dahil sa hindi kaya ng rapper na si Makagago ang hinihinging talent fee ni loonie na Ten Thousand US Dollars ($10,000 USD). Pero nagkasa ito ng laban para sa “Diss King” at ang kanyang makakaharap ay ang undefeated ng Fliptop na kilala sa kanyang mga ‘Gun bars’ na si PriceTagg.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakasubaybay sa Hip-hopan. May mga dismayado sa pagbibigay ni Mike Swift ng break sa rapper na si Makagago.

Ang rapper na si Makagago ay kilala bilang most hated sa eksena, kaya naman para sa ibang rapper nakakababa daw umano ng dignidad ng liga ang rap battle na ito.

Meron pang ilan na nagpahapyaw kay Mike Swift sa kanilang komento.

Sakabila ng mga negatibong komento sa nasabing liga, marami din naman ang humanga sa ginawa ni Mike Swift na bigyan ng pagkakataon si Makagago.

Panoorin: Rapper Makagago, Pinatakam lang ni Loonie?

Ano ang masasabi mo sa issue? Mag iwan ng iyong komento sa ibaba.