Icons Feed

Keep up with your idol!

Sinio, hindi na ba-battle sa Fliptop? Alamin!

Rapper at Fliptop emcee na si Sinio, sinagot na ang tanong ng mga fans kung ba-battle pa siya o hindi na.

Nagsalita na si Sinio at binigyang linaw ang tanong ng Fliptop fans kung babattle pa ito o hindi na.

Sinagot na ng joker ng Fliptop na si Sinio ang mga tanong ng fans kung babattle pa ito. Ayon sa kanya ay ba-battle pa naman siya pero magpapahinga muna sya ng ilang taon at siya ay magfo-focus muna sa music at sa kanyang negosyo o business na clothing line.

Ayon pa kay Sinio ay pipilitin niyang hindi mawala sa linya ng Hip-hopan. Siya ay ba-battle parin sa Fliptop ngunit hindi na kasing dalas ng dati.

Ang rapper na si Sinio ay nakilala sa kanyang mga epic na battle at mga linyang talagang bumenta sa Fliptop fans. Ang mga laban din ni Sinio sa liga ay ang tinaguriang most viewed rap battle sa buong mundo.

Panoorin ang pahayag ni Sinio kung saan sinagot nito ang fans kung lalaban pa siya sa Fliptop.