Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago at OG Sacred, nagkaayos na!

OG Sacred at Makagago nagka-ayos na!

Good news para sa mga supporters ng magkabilang panig! Si OG Sacred at Makagago ay nagkaayos na sa wakas.

Sa Facebook post ni OG Sacred humingi ito ng tawad sa kanyang nagawa kay Makagago sa event ng Sunugan pati narin sa organizer nito na si Mike Swift.

“Hindi ako nagsisisi na sinapak ko si MAKAGAGO pero nung inulit ko yung video ng nangyari sa sunugan nakita ko na nagbago yung lumalaban sa stage at yung bumababa sa hagdan hindi ko alam kug ako lang nakapansin nito” sinabi ni OG Sacred sa kanyang Facebook post.

“Kaya sa part na yun gusto ko mag sorry sayo MARK JAYSON sa pananakit na nagawa ko.” Dagdag pa nya.

OG SACRED Facebook post:

Sumagot naman si Makagago sa post na ito ni OG Sacred sa paghingi nito ng tawad.

“Dude asked for forgiveness sino ba ako para hindian sya?” sagot ni Mark Jayson kay Shielbert.

Rapper Makagago Facebook post:

Dito na nga kaya magtatapos ang alitan ng dalawa pati ng kanilang mga taga suporta? Magandang pangitain ito para sa Hip-hop community.

Isang reaksyon din mula sa kapatid sa industriya ang nakapukaw ng aming atensyon. At sana ay dito na nga ito magtapos!

John Ross Delos Santos Facebook post:

Welcome sa community Mark Jayson! Mula sa Iconsfeed.