Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago, pinagtulungan sa sunugan kahit may mga bodyguard?

Makagago pagkatapos banatan ng Ex Battalion

Trending ngayon sa social media ang mga footage at mga image kung saan ang rapper na si Makagago ay pinagtulungan matapos ang kanilang laban ni PriceTagg sa Sunugan Rap Battle. Sa video na naka attach sa ibaba ay mapapanood kung ano ang mga posibleng naging dahilan ng mga gumawa nito sa kanya.

Sa laban ni Makagago at PriceTagg sa Sunugan Rap Battle kung saan dapat ay sa pagitan lamang nilang dalawa ay nandamay pa si Mark Jayson ng mga panauhin na nagpunta lang doon para sumuporta sa event at manood ng laban nila.

Sa mga punchline ni Makagago ay mapapakinggan na binanggit nya ang pangalan ng rapper na si Mhot ng Fliptop, si Skusta Clee, Flow G at Brando ng grupong Ex Battalion na dapat ay sa pagitan lamang nila o sa katunggali lamang nya na si PriceTagg kaya naman nagsimulang magkaroon ng tensyon.

Sa pandadamay nya sa binansagang Trap king na si Skusta Clee na nandoon din para suportahan ang Sunugan Rap Battle ay binastos pa ito ni Makagago. Sinabihan ni Makagago na may ‘tulo’ daw ito at nagsimulang maghiyawan ang mga nanonood. Ayon kay makagago ay nakuha nya ang impormasyong ito sa ex-girlfriend ni Daryl na si Zeinab. (Watch: Zeinab Harake to Skusta Clee:”Sa sobrang ‘fvckboy’ mo, Kailangan mo na magpa-check up, kailangan mo na uminom ng gamot”)

Nang matapos ang battle habang pababa si Makagago sa stage ay nakuhanan din ng video ng malapitan kung paano sya masuntok ng isa sa mga dinamay nya sa kanyang mga punchline sa Rap battle (mapapanood ang nasabing video sa ibaba)

Sa video na iyon makikita na nakapalibot sa kanya ang mga bodyguard ngunit nalapitan parin sya ng isang napikon sa mga sinama nya sa kanyang punchline sa battle nila ni Price.

Samantala, ang score na resulta naman ng battle ay 5-0 na pumabor naman kay PriceTagg. Ang rapper na si Makagago at si PriceTagg ay may talent fee mula sa Sunugan Rap Battle na nagkakahalaga ng $4000 USD or ₱200,000 pesos for Philippine currency.

Panoorin ang video: