Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago vs PriceTagg Full video link, kailan nga ba ilalabas?

Makagago vs Pricetagg Sunugan Bad Blood full video update

Maraming fans ni Makagago at mga Hip-hop fanatics na hindi nakapunta ng event ang nagtatanong kung kailan nga ba ilalabas ang video ng bawat laban sa nangyaring Sunugan Bad Blood nitong March 9. May mga nagpunta sa event na may malinaw na kuha ng video ng laban ngunit dahil sa malaking respeto nila kay Mike Swift at sa Sunugan ay hindi rin nila ito ilalabas.

Ayon sa Facebook update ng Sunugan habang pino-promote nila ang Bad Blood at bago magsimula ang Press conference ng dalawa ay sinabi nilang hindi agad nila iu-upload ang video ng bawat battle. At pwede ring hindi na din talaga nila ito i-upload.

Sunugan Facebook update (February 27)

Pero may chance nga kayang hindi na talaga nila ito iupload dahil nagkagulo matapos ang battle? Kung kami ang tatanungin, iu-upload parin nila ito. Sinabi na rin mismo ni Loonie ito sa kayang Facebook post habang pinupuri nito si PriceTagg sa performance nito nung araw na iyon.

Loonie Facebook post:

Excited naba kayo? Abangan ang iba pang update sa ating number 1 tambayan ng mga Hip-hop, iconsfeed.net