Icons Feed

Keep up with your idol!

Makagago vs PriceTagg Presscon Update: Nadismaya si MKGG sa Presscon, Mike Swift, humingi ng sorry!

Nadismaya ang rapper na si Makagago sa resulta ng Presscon nila ni PriceTagg sa nalalapit na laban nila sa March 9.

Poster ng Bad Blood Press Conference, March 7. PriceTagg vs Makagago

Ayon kay Makagago, masama ang loob nya kay Mike Swift dahil sa hindi daw ito nabigyan ng sapat na oras para makapag salita. Mapapanood ang video ng Press Conference ng Sunugan Bad Blood pati na rin ang video ng rapper na si Makagago kung saan nagpahayag siya ng pagkadismaya pati narin ang panig o paliwanag ni Mike Swift sa ibaba kung hindi mo pa ito napapanood.

Walang nangyaring sakitan sa presscon, pero nagkaroon ng mga pangbabash sa rapper na si Makagago. Lalo na noong hamunin ni Price ng suntukan si Makagago sa Octagon (URCC) at hindi ito nakasagot.

Samantala, nagpahayag naman si Makagago ng pagkadismaya sa Presscon at dito narin nagbigay ng komento tungkol sa hamon ni Price sa kanya. Humingi naman ng paumanhin si Mike Swift sa nangyari. Panoorin ang video:

Ano ang masasabi mo tungkol dito ka-Icons Feed? Mag iwan ng iyong komento sa ibaba. Huwag kalimutan na i-share!