Icons Feed

Keep up with your idol!

Mike Swift, naglabas ng sama ng loob sa nangyaring insidente sa pagitan ni Makagago at OG Sacred

Mike Swift to OG Sacred, Makagago and bashers online

Naglabas ng sama ng loob ang founder at organizer ng event na Sunugan Bad Blood na naganap nitong March 9 na si Mike Swift. Nagkagulo sa event matapos ang main battle sa pagitan ni PriceTagg at Makagago.

Ayon sa kanya ay napahiya sya kay Makagago dahil pinangakuan nya ito ng security ngunit nabigo sya dahil may nanakit dito na isa din sa mga tropa nya. Pero kahit pano ay masaya naman daw ang organizer ng event dahil nagkaayos na si Makagago at ang nanakit dito na si OG Sacred.

Samantala, meron namang mensahe si Mike Swift sa kanyang mga basher na kapwa nasa Hip-hop industry din kung saan sinasabihan syang mukhang pera at pera-pera lamang daw ang event na kanyang inorganisa.

Sa video ni Mike Swift kapansin pansin din ang kanyang binaggit na mayroon daw isang rapper na may malaking pangalan na kakagamit ng pangalan ni Francis M ngunit hindi naman daw ito ni minsan nagbalik ng suporta sa Hip-hop community. Sino kaya ang kanyang binabanggit dito? Panoorin ang video na nasa ibaba.

Francis M and Mike Swift

Mike Swift, naglabas ng hinanakit sa kanyang mga bashers online, start time: 3:39