Icons Feed

Keep up with your idol!

OG Sacred, may mensahe kay Makagago matapos ang insidente sa Sunugan

OG Sacred to Makagago

Matapos ang insidente na nangyari sa Sunugan kung saan nagkaroon ng gulo at nagtamo ng sugat at galos ang rapper na si Mark Jayson o kilala bilang si Makagago at pagkatapos magtrending ang iba’t-ibang anggulo ng video kung pano na-bash si Mark Jayson sa battle nila ni PriceTagg ay agad na nag-live si Makagago sa Youtube pagdating nya sa San Pablo. Sa kanyang video ay hinamon nya si OG Sacred na magpunta naman sa kanila sa San Pablo. (read: Makagago, pinagtulungan sa Sunugan kahit may bodyguard?)

“Sa susunod, pumunta ka naman dito, pakidala mo naman yung balls mo sakin dito, ha? T*ngina mo, hindi ka makakauwi sa Tondo” isa sa mga linya na sinabi ni Makagago kay OG Sacred. (Mapapanood ang video ni Makagago sa ibaba kung saan sinasabi nya ang mga ito)

Isa-isa naman na sinagot ni OG Sacred ang mga sinabi ni Makagago at hinamon pa ito ng pustahan.

OG Sacred open letter to rapper Makagago:
“Para kay MAKAGAGO na nagsasabing di masakit yung sapak, dala nya yung bayag nya, mali yung ginawa sa kanya.

Kung totoong may bayag ka dapat pumalag ka, Kung totoong di masakit yung sapak sayo bakit napayakap ka sa bouncer sa tabi mo? At tungkol sa tama at mali, kelan mo pa naisip na gumawa ng tama sa kapwa mo?

Sabi mo kung ikaw yung sumapak mawawala yung kanan mata diba? Set mo kung gusto mo suntukan sa kalye o sa gym o kung san mo gusto.

Negosyante ka diba? Puhunanan mo gusto mo lagyan pa natin ng pusta. Kung totoo yang sinasabi mong may bayag ka!

Pero kung puro ka lang ngalngal at banta sa social media manahimik ka nalang kasi wala kang pinag iba sa mga kinukutya mo na pinagbantaan ka pero walang nagawa sayo.

Kasi ako kahit kelan hindi kita pinagbantaan at kahit kelan hindi ako nag comment ng pangit sayo kahit ang daming mga nanghihingi ng opinyon ko sa mga ginagawa mo at tungkol sa laban mo sa sunugan.

Kung anumang hamon ang gusto mong iparating sa mga pinagsasabi mo game ako.

Pero kung magkakaron din ng pagkakataon na makaharap kita ng lalaki sa lalaki bilang si MARK JAYSON gusto kita yakapin bilang KAPWA.

Wag mong hayaan lamunin ni MAKAGAGO ang totong MARK JAYSON.” – OG Sacred

Si OG Sacred ang isa sa mga tinitingala at isa sa mga respetadong rapper sa eksena. Ang kanyang ginawa kay Mark Jayson ay ikinatuwa ng Hip-hop community dahil sa dami narin marahil ng mga ginawang mali ni Makagago sa mga Rap icon at isa na dito ang paglapastangan nya sa master rapper na si Francis M. at sa paggawa ng diss sa bagong sibol na si Princess Thea.

Panoorin ang video ng rapper na si Makagago kung saan hinamon nya si OG Sacred na magpunta ng San Pablo: