Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Mike Swift

Mike Swift Biography

Name: Mike Swift
Born: November 9
Alias: Mike Swift
Occupation: Rapper, songwriter, event organizer

Si Mike Swift ay isang rapper, songwriter at event organizer. Si Mike din ang nagtayo ng Konektado at founder ng Sunugan Rap Battle dito sa Pilipinas. Si Mike ay pinanganak dito sa Pilipinas at sa New York City na lumaki. Sya ay minsan na gumawa ng ingay US music industry at ngayon ay patuloy na gumagawa ng ingay at ng mga bagay na imposible dito sa Philippine Hip-hop scene.

Si Mike Swift ang kauna-unahang rapper na nag-organisa ng isang malaking event ng Hip-hopan sa araneta coliseum na tumupad sa pangarap ng mga kilalang local artist.

Hindi matatawaran ang dami ng naiambag ni Mike sa eksena at dahil dito sya ang tinaguriang bagong “Ama ng Hip-hopan” dito sa Pilipinas dahil narin sa pagpapatuloy ng advocacy na iniwan ng master rapper na si Francis Magalona. Si Mike Swift ay patuloy na tumutuklas ng mga bagong talento sa kalye at patuloy na nagbubukas ng pinto na nagiging daan bilang katuparan ng mga bagong nangangarap na makapasok sa Rap industry.