Icons Feed

Keep up with your idol!

Zeinab Harake to Skusta Clee: “Sa sobrang ‘fvckboy’ mo, Kailangan mo na magpa-check up, kailangan mo na uminom ng gamot”

Ex Girlfriend ni Skusta Clee na si Zeinab Harake, naglabas ng sama ng loob sa kanya.

Trending ngayon sa social media ang live video ni Zeinab Harake (ex girlfriend ni Skusta Clee) kung saan naglabas ito ng sama ng loob sa rapper na dati nyang nobyo.

Nanggagalaiti sa galit si Zeinab dahil sa ginawang paninira umano ni Skusta sa kanya sa isang bar kung saan pinag sisigawan daw nitong “Pokpok” sya.

Zeinab Harake Instagram Photo

take it easy (c) @whyhatemelvin beks*

A post shared by itsprincesszebby (@zeinab_harake) on

Ayon kay Zei, kinompronta nya daw si Clee at tinanong kung sino yung sumisigaw na pokpok sya ngunit itinanggi daw ito ng rapper.

Dagdag pa ni Zei ay ilalabas nya daw lahat ng baho ng rapper dahil sinira nya din daw ang pagkatao nya. Samantala, aminado naman siya na nakainom sya.

Ang live video sa social media ni Zeinab kung saan sya naglabas ng sama ng loob kay Skusta ay mayroon nang 752,000 views. Si Zei ay kasalukuyang may 225,000 followers sa Instagram at may 475,416 followers naman sa Facebook.

Panoorin ang live video ni Zeinab Harake sa Facebook