Icons Feed

Keep up with your idol!

Rapper Bendeatha, gustong sumalang sa Sunugan Rap battle

Bendeatha

Sa interview sa rapper na si Bendeatha, sinabi nitong gusto nya na sumalang sa Sunugan rap battle at ito ay tila may pinaparinggan sa kanyang mga sinasabi.

Matatandaan na si Bendeatha ay nagkaroon ng issue sa kanyang mga kagrupo at sya ay nahiwalay sa Salbakuta at pinalitan naman ni Jawtee, isang solo artist na under din ng Dongalo Wreckordz na hawak naman ng ‘King of Rap’ na si Andrew E.

Simula ng mahiwalay sa grupo si Bendeatha ay napapadalas na ang parinigan nila sa social media na umabot pa sa paglalabas ni Jawtee ng kantang diss last year na pinamagatang ‘Boboy T Hada’. Sa kanta na inilabas ni Jawtee noong August 5, 2018, mapapakinggan na ang lahat ng ito ay nag ugat daw umano sa usapang pera o talen fee. Read: ‘Rapper Jawtee release diss track to Bendeatha?’

Mapapansin din sa interview ni Rommel na may halong gigil ang kanyang mga sinasabi kahit na ito ay tila pabiro lamang. Pati narin sa caption ng kanyang Facebook post ng kanyang i-share ang link ng kanyang interview.

Rommel Tejada FB post:

Mapapanood din sa kanyang interview na iniinsulto nya ang isa dito na may hawig daw sa unggoy ang gusto nyang unang makalaban. At sinabi din sa kanyang hamon na kung lalaban sila ay magkakaalaman na daw kung ano ang totoo.

Palagan kaya sya ng mga pinapariggan nya sa kanyang interview? Anong masasabi mo tungkol dito? Mag iwan ng iyong komento sa ibaba.

Watch: “Bendeatha, hinahamon ng rap battle ang Salbakuta??”