Spotify, ititigil na ang programa ng pag-a-upload ng mga artist ng music nila na direkta sa kanilang platform
Wala nang Artist na makakapag upload ng music na direkta sa Spotify simula August 1. |
Ang Spotify ay nagpatakbo ng ilang pag-aaral at eksperimento kung saan, pumili sila ng mga artist na makakapag-upload sa kanilang platform ng direkta at walang bayad, at walang komisyon. Ginawa nila ang programang ito para magamit ang feedback ng mga artist na ito, kung papalawigin ba nila ito o hahayaan na ang mga artist ay dumaan sa mga digital music aggregator tulad ng CD Baby, Distrokid at iba pa, kung saan nagbabayad sila ng $10 to $20 USD kada single at $35 to $50 USD naman sa EP o Album.
Matapos ang kanilang pag-eeksperimento base sa mga feedback ng mga artist na ito, napagdesisyunan nilang masmakakabuti para sa mga artist kung sila ay magsa-sign up sa mga digital music aggregator at ititigil na ang programang ito. Kaya ang Spotify ay tatanggap na lamang ng libre at direktang pag-a-upload sa kanilang platform hanggang sa katapusan ng July.
Ang Spotify ay isa sa malaking streaming platform at ito ay isa rin sa mga source ng income ng mga independent musician. Kumikita ang isang musician dito dipende sa bilang ng streams ng kanilang music sa platform na ito. Kumikita naman ang Spotify mula sa mga subscription ng mga premium user at sa mga advertisement naman sa mga free user.
Kamakaylan, sinabi ng Spotify na sila ay mayroon nang 217 million monthly user sa buong mundo at ang 100 million dito ay mga paid o premium subscriber.
Interesado ka din bang mailagay din ang kanta mo sa Spotify? Alamin kung paano ang tamang proseso sa paga-upload sa streaming platform na ito. read: Paano maglagay ng kanta sa Spotify