Icons Feed

Keep up with your idol!

Loonie, itinatanggi ang mga pinaparatang sa kanila

Loonie

Marami ang nabigla sa balitang yumanig sa social media kagabi (September 18, 2019), kung saan ang sikat na rapper na si Loonie ay nahuli sa isang buybust sa Makati.

Kasamang nahuli ni Loonie ang apat na iba pa, kabilang dito ang kanyang kapatid na babae na tumatayo narin bilang kanyang manager.

Itinanggi ng rapper na si Loonie na kanya ang mga nakuhang cellphone, pera at ilang sachet ng tinatawag nilang kush, isang mataas na uri ng “MJ”.

Paliwanag ng kampo ng rapper, nagpunta sila sa hotel na iyon dahil sa may natanggap silang message kung saan, kaarawan ng isang cancer patient na nagngangalang Shaun, na iniidolo raw si Loonie.

Mayroon daw VIP parking na para sa kanila ayon sa kausap ng manager ni Loonie at pagdating nila dito ay dito na daw sila pinalibutan 20-30 katao.

Iba-ba naman ang naging reaksyon ng mga Hip-hop fans sa insidenteng ito. May mga pinupuri ang PNP sa ginawa nito.

At meron din mga dismayado dito at naniniwalang frame up lang ang nangyaring ito.

Panoorin ang video sa ibaba kung saan pinaliwanag ni Loonie at ng kampo nito kung bakit sila nasa lugar na iyon.

Anong masasabi mo tungkol dito? Mag-iwan ng iyong komento sa ibaba.