Rapper Loonie, huli sa isang Buybust operation sa Makati
Marlon “Loonie” Peroramas |
Rapper na si Marlon Peroramas, kilala bilang si Loonie, nahuli sa isang buybust operation na ikinasa ng mga Pulis sa Makati.
Ito ay nangyari Miyerkules ng gabi sa basement ng isang hotel sa Polaris Street, Barangay Poblacion.
Ayon kay Makati Police chief, Colonel Rogelio Simon, kasamang nahuli ng mga pulis ang apat pa na suspect na kinilalang sina David Rizon, Ivan Agustin, Albert Alvarez at Idyll Liza Peroramas.
Dalawang buwan nilang minanmanan ang rapper na si Loonie ayon sa mga pulis, matapos nilang makatanggap ng impormasyon na nagtitinda umano ito ng high-grade “MJ”.
Ayon kay Makati Police chief Simon, doon daw nakipagtransaksyon ang mga suspek sa kanilang ‘undercover men’ sa basement ng hotel, dahil may gig sila sa lugar na iyon. At ang high-grade MJ na ito ay inilagay daw nila sa loob ng isang cellphone box”
Ayon pa sa pulis, gumamit sila ng pekeng pera sa kanilang buy-bust na nagkakahalaga ng ₱100,000. Kinuha daw ng kanilang tauhan ang loob nito at kinaibigan, at nakipag transaksyon sa kanila.
Itinanggi naman ni Loonie sa mga pulis, na nagtitinda sya nito.
Matatandaan na minsang namention ni Loonie ang PDEA sa kanyang live video sa social media at sinabihang “ignorante” dahil sa pagpapaban ng kanta ni Shanti Dope na pinamagatang “AMATS”. Panoorin ang video sa ibaba.
Hindi lang si Loonie ang rapper na nasangkot at na nahulihan sa akto sa isang buybust. Maging ang rapper/viner na si Xander Bay ay nasakote rin. Mapapanood ang video sa link na ito. Watch: “Rapper Xander Bay, Tiklo sa PDEA”
Sa nangyaring Cubao buy-bust naman, 2 rapper din umano ang nahuli sa akto na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at nagtrending pa ito sa Hiphop community nitong nakaraang buwan at naging usap-usapan pa sa mga group chat at mga forum. Watch: “Video ng 2 rapper sa Cubao Buybust”