Icons Feed

Keep up with your idol!

5 Youtube Channel na sadyang ginawa para palakasin ang Hiphopan dito sa Pilipinas

5 YouTube channels that feature Pinoy Hip-hop 

Nandito kaba ngayon para alamin kung anong mga lehitimong YouTube channel ang sadyang ginawa para mag-update ng mga nangyayari ngayon sa Hiphopan? Ang aming listahan na ito ay hindi mo dapat palampasin.

Madaming YouTube channel na ngayon ang nagfefeature ng mga nangyayari sa Hiphopan, pero madalas nakikisabay lang sila sa trends para sa views at hindi lang tungkol sa Hiphop ang kanilang content. Ang limang channel na imemention namin ngayon ay eksklusibong para sa eksena lang ng Hiphopan at ating iisa-isahin ang pagkakaiba ng limang ito.

5 best Youtube Channel for Hiphop here in Philippines

  1. The Plug PH
  2. Local
  3. Hiphop Heads TV
  4. Pinoyhiphopsuperstar
  5. Icons Feed


Ang limang YouTube channel na ito ay puro Hiphopan lang ang laman ng content. Pero ang mga ito ay may kanya-kanyang pagkakaiba.

The Plug PH
Ang “The Plug PH” ay isa sa naghahatid ng mga pinaka maiinit na pangyayari ngayon sa Hiphopan. Kung gusto mong mas makilala pa ang iniidolo mong rapper, hindi mo dapat palampasin ang channel na ito dahil sila ay nagfefeature at nagsasagawa ng “One on one interview” sa mga pinaka maiinit na rapper ngayon. Subscribe na sa The Plug PH!

Local
Ang channel ng Local naman ay ginawa naman para ifeature ang mga pinaka maiinit na Hiphop music ngayon. Sa channel na ito ay makakadiscover ka ng mga bagong kanta na dekalidad mula sa mga hindi pa kilalang artist. Magsubscribe at maging updated sa mga bagong tunog ngayon sa channel ng Local!

Hiphop Heads TV
Ito naman ang channel na mas focus sa mga battle rapper, madalas ang content ng channel na ito ay mga reviews ng battle sa Fliptop, update ng laban, analysis at iba pa. Isa kaba sa tagasubaybay ng mga batte rapper dito sa Pilipinas? Magsubscribe kana sa channe na ito para laging updated! Hiphop Heads TV

Pinoyhiphopsuperstar
Madalas naman na content ng channel na ito ay mga live performances ng mga artist. Naguupload din sila ng mga “Top tracks” na base sa panlasa ng nasa likod ng channel na ito. Subscribe na sa Pinoyhiphopsuperstar!

Icons Feed
Ang Icons Feed channel naman ang isa sa channel na hindi mo dapat palampasin. Dito ay makakakuha ka ng pinaka latest na info sa nangyayari sa Hiphopan, dito din nakakadiscover ang Hiphop fans ng mga bagong talents ngayon. Ang isa sa kakaibang feature ng channel na Icons Feed ay ang patanggap ng mga submission mula sa mga artist na gustong madiscover ang kanilang craft. Ang channel na ito ay gumagawa din ng “Top List”, discussion videos, reviews, commentary at iba pa. Maging updated sa Hiphop scene, magubscribe na sa Icons Feed!

Mayroon kabang channel suggestions na hindi namin naisama? I-comment lang sa ibaba para maging updated ang lahat!