Icons Feed

Keep up with your idol!

JUICE WRLD, patay matapos magsuffer sa Seizure

Juice WRLD Dead at 21

Binawian na ng buhay ang rapper na si Jarad Anthony Higgins o kilala bilang si Juice WRLD sa edad na 21 matapos na magsuffer sa Seizure ngayon lang linggo (December 8) sa Chicago Midway airport. Umaga nang ito ay maganap sa Chicago at gabi naman dito sa Pilipinas.

Ang balitang ito ay gumulat sa lahat at usap-usapan ngayon ng Hip-hop fans sa buong mundo. Ayon sa mga nakakita ng pangyayari sa nasabing airport, naglalakad daw ang rapper na si Juice WRLD at nagseizure, at dumudugo ang bibig.

Agad na itinakbo ng ospital ang rapper pero hindi na ito naka-survive pa.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang tunay na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa mga hindi nakakakilala sa kanya dito sa Pinas, si Juice WRLD ay nagsimulang gumawa ng pangalan taong 2018 at nagpasikat ng kantang “Lucid Dreams” na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 400 million hits sa YouTube. Panoorin sa ibaba.

Anong paborito mong kanta ni Juice WRLD?

Rest in peace Jarad Anthony Higgins (December 2, 1998 – December 8, 2019)