Sunny Blaze, tablado sa Fliptop Festival?
Sunny Blaze / Sunny Bandila fo Urban Flow |
Imbitado ang mahigit 200 na artists mula Luzon Visayas at Mindanao sa gaganaping “The Fliptop Festival” sa February 7 at 8 ngayong taon. Ito ay bilang pagdiriwang narin ng ika sampung taon ng kauna-unahang freestyle rap battle league sa Pilipinas.
Halos lahat ng mga matutunog at mga maiingay na pangalan sa eksena ay imbitado sa event na ito. Kaya naman kapansin pansin na wala ang grupong Urban Flow sa listahan ng mga magpeperform dito.
List of performers posted by rapper Dcoy
Nagkomento naman si Sunny Blaze sa post na ito ni Dcoy kung saan sinabi nitong tablado sila sa kaganapan na ito.
Sunny Blaze comment on Dcoy’s Facebook post |
Mula nito ay madalas na ang pagmention ni Blaze kay Anygma at sa Uprising pero paglilinaw ng rapper, hindi daw sya “ampalaya” (bitter)
Sunny Blaze Facebook update |
Sa kasalukuyan ay wala pang tugon o komento ang founder ng Fliptop na si Anygma sa mga sinasabi ni Blaze sa social media.
Sa mga hindi nakakaalam, ang grupong Urban Flow na kinabibilangan ni Sunny Blaze ang nagpasikat sa kantang “Miss Pakipot” na tinangkilik ng Pinoy Hiphop noong 90’s. Kabilaan din ang award na natanggap ng grupong ito hindi lang dito sa Pilipinas pati na sa labas ng bansa. Anong masasabi mo tungkol dito?
Watch Urban Flow performs “Miss Pakipot” LIVE on Wish 107.5 Bus