Icons Feed

Keep up with your idol!

Boss Toyo, Pinasok ng nagpanggap na NBI sa kanyang bahay at ninakawan?

Trending ngayon sa social media ang video kung saan walang damit pang itaas si Boss Toyo  at nakaposas pa ang mga kamay.

Ayon kay Boss Toyo mismo, kinuha daw lahat ng alahas nya na nagkakahalaga ng isang milyon (1 Million pesos) pati na raw ang pera sa wallet nya na nagkakahalaga naman ng mahigit “tatlong daan” (300 Thousand Pesos??)

Dagdag pa nya ay sinira daw ng mga ito ang kanyang CCTV pero may backup naman daw ito at nakuha nya din daw ang plate number ng sasakyan na ginamit ng mga ito.

Makikita sa video na nakaposas ang daawang kamay nito at hubad baro pa habang kinukwento ang nangyari sa kanya.

Ayon sa kanyang asawa, ang mga nanloob daw sa bahay nila ang gumawa nito, pinosasan si Toyo at sinaktan pa daw ito umano.

Sa mga hindi nakakakilala kay Toyo, siya ay isang vlogger at ang may ari ng pinaguusapang clothing line na “Kain Pepe Clothing”.

Abangan ang aming update tungkol dito.