Icons Feed

Keep up with your idol!

Diss King na si Makagago, ginawan nanaman ng Diss?

Mark Jayson, ginawan din ng diss ng isang old school rapper na si Jasper Hombre!

Mapapansin na matagal nang tumigil sa pandidiss ang rapper at influencer na si Mark Jayson at nagfocus nalang sa vlogging at pati na sa kanyang negosyo sa San Pablo Laguna.

Nakipag ayos narin ang mga kilalang mga nakalaban o nakabanggaan nya sa Hip-hop tulad nila OG Sacred, at Shernan.

Pero nitong nakaraan lang, may video ng isang rapper ang kumakalat sa social media na nagspit ng mga rap lines nya at binanggit pa mismo ang pangalang Makagago.

Panoorin ang video ni Jasper Hombre

Ibabalik kaya ng rapper na si Jasper ang pagiging “Diss King” ni Makagago? O papalampasin lang ni Mark ang ginawa nito? Abangan ang aming update tungkol dito.