Icons Feed

Keep up with your idol!

Saan Makakakuha ng “Legit and High Quality Free Beats”?

Maraming Beatmaker ang naglalagay ng mga beats nila sa YouTube, pero karamihan sa mga ito, magkakaroon ka ng copyright claim sa gagawin mong kanta.

Ginagawa ito ng mga beatmaker para protektahan ang mga ginawa nilang beats at para ma-maximize nila ang maaari nilang kitain sa mga beats na gawa nila na nilalagay nila sa social media.

Madami nang Pinoy rappers ang na-issue sa paggamit ng beats na makikita online, tulad ng “Hayaan Mo Sila” ng grupong Ex Battalion, “Neneng B” ni Nik Makino at iba pa. Kaya naman mas natuto na at nagiging maingat na ang mga Pinoy rappers ngayon.

Dahil sa mga naging issue na ito, maraming beatmaker ang naging aktibo sa paggawa ng beat para ipagamit ng libre sa mga local rappers at isa na dito ang music producer na si RC.


Ang mga beats na nilalabas ni RC sa kanyang Facebook account at YouTube Channel ay agaw atensyon ngayon sa mga local rappers.

Pakinggan ang mga beats na gawa ni RC