Icons Feed

Keep up with your idol!

Flow G, napikon sa memes?

Reaksyon ni Flow G sa memes ng isang netizen.

Trending ngayon sa social media ang memes na pinost ng netizen na nagngangalang Alelei Baria.

Sa post na memes sa Facebook ng dalaga, makikita ang larawan ni Skusta Clee at Flow G at larawan ng isang di kilalang lalaki na medyo may hawig sa dalawang rapper at ito ay mabilis na kumalat sa social media at napagkatuwaan ng netizen.

Hindi ikinatuwa ng rapper na si Flow G ang ginawa ng dalaga sa larawan nila ni Skusta Clee. Ayon kay Archie, ok lang naman daw sa kanya na ipost iyon, dahil marami nang mas nauna na nagpost na mga pages sa social media ng larawan nila na yon. Ang hindi nya lang daw talaga nagustuhan sa ginawa nito ay walang ibang makapagcomment na iba sa post nito maliban sa mga kaibigan ng babae.

FB Post ni Flow G
Message ni Flow G sa Babae na gumawa ng memes

Pahabol pa ni Flow G
Samantala, hindi rin nagustuhan ng gumawa ng memes ang mga sinabi ni Flow G sa kanya. Kaya naman nagsalita ulit ito ng tungkol sa ginawa nyang memes.
FB post ng gumawa ng memes
May ilang netizen na nagtanggol kay Flow G pero meron din namang mga di nagustuhan ang naging reaksyon ng rapper sa memes na yon.
Reaksyon ng netizen